Eat Bulaga Philippines meets Eat Bulaga Indonesia

Isang success ang pagbisita nina Uya Kuya at Rian Ibram galing sa Eat Bulaga Indonesia. Napasaya at napahalakhak ang buong sambayan nang magkita-kita sina Tito, Vic at Joey at ng dalawang host mula sa Indonesia na sina Uya Kuya at Rian Ibram.

Ang bawat panig ay nagpatalbugan sa kani-kanilang talento. Si Uya Kuya ay nagpamalas ng kanyang talento sa mahika at hindi naman pinalagpas ni Vic na magpakitang gilas din. Kinuha ni Vic ang 2012 Little Miss Philippines na nakasuot ng Darna outfit.

Mas pinasaya nila ang mga manonood ng kumanta sila Rian at Kuya ng "Dahil Sa'Yo" at sa linggwaheng Indonesian naman sina Tito, Vic at Joey. Pagkatapos ay pinagtripan naman nila ang kantang "Bahay Kubo" kung saan, si Joey ang kakanta sa Pilipino, si Vic naman sa English at si Uya Kuya naman sa Bahasa Indonesia at si Tito Sen naman ang magko-korek sa wrong translation ni Vic.

Ayon kina Rian at Kuya, napapunta sila sa Pilipinas ay hindi lang upang ma-meet ang Eat Bulaga Philippines but also to help the Filipino people who are affected by the flood through giving donations straight from Indonesia. At ibinalita din nila na ang Eat Bulaga Indonesia ay number one sa buong Indonesia.

Iba talaga ang gawang Pilipino, kahit sa Indonesia ay patok na patok.

Tags: , ,
Pin It

Widgets

About Author

The BAN PH is a weblog that wanted to promote and share the latest issues and current events straight from Bayugan City. Insights or Opinions, Features and Product or Business Reviews are very welcome here on The BAN PH.