Love Me Not 1st Wave

Tim (left) and Kim (right)

Chapter 1

Dear Diary,
Isang araw na naman ang nagdaan sa aking buhay. Alam mo bang hiwalay na kami ng girlfriend ko na si Amaya? Siya pa ang nakipagbreak, pero wala akong pake sa kanya. Nagpapasalamat nga ako na siya ang nakipaghiwalay, at hindi ako kasi, matagal na talaga akong may planong makipaghiwalay sa kaya.
Simula ngayon, ayoko munang makpagrelasyon. Sagabal lang 'yan sa pag-aaral ko.Medyo nauubos din ang pera ko. Hanggang dito nalang ako Diary, bukas ulit.

Goodnight

Your Friend,
Kim



Isang malakas na tunog mula sa alarm clock ang nagpagising sa gwapo nating bida. Hindi lang siya gwapo, kundi matalino pa at organisado ang lahat n'yang ginagawa. Kung kaya lahat ng mga girls sa kanilang school ay gustong-gusto siya. At currently, siya ang Presidente ng kanilang Student Government kung kaya mas lalo siyang kinagigiliwan ng mga girls.  Sa kabutihang palad, wala namang naiinggit sa kanyang kasikatan dahil hindi naman niya ginagamit ito upang makamanlamang sa iba. Eh, ang pangalan pa la ng bida natin ay Kim Santos o mas kilala bilang Kim.

Sa loob ng silid-aralan ng Fourth Year seksyon Einstein kung saan naroroon  si Kim, ay tahimik nitong pinagmamasdan ang mga dahong nalalagas mula sa puno na malapit sa kanilang silid. Biglang bumukas ang pinto ng silid-aralan at napatingin si Kim sa pintuan. Pumasok ang kanilang Adviser at may kasama itong chinitong estudyante, 5'6” ang height at maikli ang buhok.

“Good Morning Class! Ito ang bago ninyong magiging kaklase simula ngayong araw” at tumingin ang guro nila sa bagong kaklase nila.

“Ako nga pa la si Timothy Reyes, Tim ang nickname ko. Galing pa po ako sa Butuan City at kaya napalipat ako ng paaralan dahil sa trabaho ng Daddy at Mommy ko dito sa Bayugan. At sana ay maging kaibigan ko kayong lahat at maging maganda ang ating pagsasama sa buong school year,” isang napakatamis na ngiti ang ipinakita ni Tim sa kanyang bagong kaklase.

Pinaupo siya sa bakanteng  upuan na katabi ni Kim. Tahimik lang itong si Kim kahit na ningingitian na siya ni Tim.

“Tila wala ka sa mood ngayon, Bro!?” tanong ni Tim kay Kim.

Hindi pa rin kumikibo si Kim at tila seryoso itong nakikinig sa kanilang guro na nagtuturo.

“Tatanda ka n'yan, kapag hindi ka ngingiti” sabi ulit ni Tim.

Hindi talaga kumibo si Kim at  tuluyang sumuko si Tim sa pangungulit kay Kim. Dumating ang recess time na hindi kinausap ni Kim kay Tim.

Sinamahan ni Kim ang weirdong bestfriend nito, weirdo, eh ikaw naman ang magsuot ng napakalaking eyeglasses at dagdagan ng braces at kilay na ang kapal. Pero kahit ganito ang kanyang fashion statement, eh, ubod ng talino ito tulad ni Kim at siya lang naman ang Presidente ng Science Club. Ang pangalan niya ay Phen Rubio.

Napansin ni Phen na nakatitig si Kim kay Tim at tila may malamin itong iniisip.

“Bess, ano ang iniisip mo? Bakit parang ang lalim-lalim ng iniisip mo at nakatitig ka pa sa kanya?” tanong ni Phen kay Kim habang nakahawak siya sa balikat ni Kim.

“Siya yung bagong kaklase namin galing Butuan City. Medyo hindi ko gusto yung aura n'ya” sagot naman ni Kim.

“Naku, masama 'yan bess. Nanghuhusga ng kapwa”
“Eh, ngayon pa nga ako naka-feel ng ganito sa buong buhay ko”
“Hmm... Baka may sumasapi sa iyo?”
“Sapi agad? Hindi ba pwedeng paramdama muna?”

Napansin ni Kim na lumapit ang Bugoy Boys kay Tim at mas lalong naging balisa si Kim sa kanyang nakita. Bigla ding tumunog ang bell ng kanilang school at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang silid-aralan.

Sa History subject nila Kim ay nagkaroon sila ng isang mini contest. Pabilisan at paramihan ng may  alam sa History. At sa huling lebel ng kanilang mini contest ang natira ay sina Kim at Tim. Kinakabahan ang lahat ng kanilang kaklase dahil sa kauna-unahang pagkakataon, tila may humahamon na din sa katalinuhan ni Kim at ito ay si Tim.

Napre-pressure na din si Kim dahil unang beses ito na may nakakalaban siyang mahusay din sa History. Napansin ni Tim na pinagpapawisan itong si Kim at ang lahat ay nagsisimula ng magtsismisan.

“Ang huling tanong! Sino ang tinaguriang Mongolian Famous Conqueror?”

Madaling itinaas ni Kim ang kanyang kamay sumagot. Masaya ang lahat dahil ang nanalo ay si Kim. Pero napansin ni Kim na nakalagay ang mga kamay ni Tim sa bulsa ng kanyang maong. Kaya lumapit si Kim kay Tim ang sumigaw na, “Hindi ko gusto ang ginawa mo at hindi mo ako mabibili sa mga pa-good effect mo na 'yan!”

Nagulat ang lahat sa inasal ni Kim, nagmadali namang umalis si Kim.


Ano nga ba ang dahilan kung bakit ganun nalang ang inasal ni Kim? At bakit galit siya sa ginawa ni Tim?

Tags: ,
Pin It

Widgets

About Author

The BAN PH is a weblog that wanted to promote and share the latest issues and current events straight from Bayugan City. Insights or Opinions, Features and Product or Business Reviews are very welcome here on The BAN PH.