STUPID Daddy of Aryana

Ella Cruz as Aryana and Tonton Gutierrez as Victor Mendez

Aaminin ko, avid fan ako ng Aryana, noon, dahil wala naman akong magawa at hindi ko maiwasang manood dahil sa Mama kong super fan ni Aryana. May time nga na sinisigawan n'ya ako dahil inililipat ko ang channel. Pero hindi na maganda ang istory, lalong lalo na sa Ama ni Aryana na si Mang Victor Mendez.

Isa sa mga inaabangan ng mga manonood ay ang pagkawala ni Aryana sa dagat at ngayoon ay kasalukuyang naninirahan sa isang isla kasama ang feeling heroes na si Marlon at Hubert. Inlabeba, kasi kaya ayun! Sumakay ng bangka at nahulog at ayun nga, kasamang naninirahan si Aryana sa isang isla. Pero ang hindi ko gusto sa mga nangyayari ang ang pagiging S-T-U-P-I-D ng Ama ni Aryana. Bakit nasabi ko ito?

Nakita naman natin ang kung ano ang kanyang naging reaksyon nito pagkatapos sinabi ni Ofelia na baka nakuha ni Neptuna si Aryana na isang sirena. At si Aryana ay isang sirena dahil sa isang sumpa. Halos matanggal na nga ang kanyang panga sa  kasisigaw at pagsasabi ng “Sinungaling ka, OFELIA!”. Hindi niya matanggap na sirena si Aryana, KASINUNGALINGAN lang daw!? Na amnesia na siguro si Victor, hindi ba sinabi ng tagapangasiwa ng DNA Testing Center na may DNA ng isda ang nasali sa DNA sample na mula kay Aryana!?

Naguguluhan ako sa istorya at ang role mo Victor!

Paalaala: Ang blog post na ito ay walang anumang bahid nang pagkamuhi o galit at kahit bahid pulitika, ito'y pawang opinyon lang nang tagapagsulat. Hindi ninanais ng tagasulat na sirain ang reputasyon ng anumang institusyon o tao na nakapaloob sa blog post na ito. Ang nais lang po nang tagasulat ay magbigay ng kanyang “Point of View” at sa ikasisiya ng mga Readers. Salamat.
Tags: , ,
Pin It

Widgets

About Author

The BAN PH is a weblog that wanted to promote and share the latest issues and current events straight from Bayugan City. Insights or Opinions, Features and Product or Business Reviews are very welcome here on The BAN PH.