3 Patay, 10 Sugatang Sundalo Sa Pag-atake Sa MSU Marawi



Tatlong patay at 10 ang sugatang sundalo ng bigla silang tambangan ng armadong grupo sa Mindanao State University (MSU), Marawi City noong gabi ng Miyerkules.

Ayon kay Col. Daniel Lucero, commander ng 103rd Infantry Brigade, ang 14-strong patrol ng 65th Infantry Battalion na nasa pamumuno ni Lt. Col. Siegred Espina ay kasalukuyang nasa KM 450 truck ng sila ay pinaulanan ng mga hindi kilalang lalaki at bilang nito sa MSU campus, kagabi, 9 p.m.

Tumagal ng 30 minutes ang sagupaan. Ang mga sugatang sundalo naman ay agad na dinala sa isang local hospital. May dalawang kritikal na sundalo ang dinala sa Mindanao Sanitarium Hospital sa Iligan City.

Ayon sa Rappler.com, may 20 estudyante ang sugatan at kasalukuyang ginagamot at isang 10 taong gulang bata ang namatay dahil sa ligaw na bala.

Ayon sa mga authorities, ang pag-atake ay di umano'y dahil sa anti-illegal logging operation ng mga sundalo at anti-drug campaign nila.

“The university is closed right now; none can enter nor leave the campus. Students are scared; rifles are fired inside the campus,” Lucero said in Filipino early Thursday morning.

At ayon sa isang source, kumalat ang isang balita na di umanoy magkakaroon ng Martial Law sa buong MSU Main Campus (Marawi). Pero ito pinabulaanan ng presidente ng MSU. According to a source, isang text ang ipinadala ni President Muslim ng MSU.



Pres. Muslim's Official Text Message Regarding the MSU Incident
The unfortunate incident last night has nothing to do with MSU, except the fact that it happened inside our campus. There is no truth to the rumor that Martial Law will be declared in the main campus. Let us not allow said incident to disrupt the operation of the University...
By: Office of the Presidential Adviser on the Peace Process
Tags: ,
Pin It

Widgets

About Author

The BAN PH is a weblog that wanted to promote and share the latest issues and current events straight from Bayugan City. Insights or Opinions, Features and Product or Business Reviews are very welcome here on The BAN PH.