Habang mabilis na naglalakad si Kim sa hallway galing sa kanilang silid-aralan, nakasalubong niya si Phen habang busy naman siya sa pakikinig ng iPOD na halos hindi niya napansin si Kim. Bigla nalang hinablot ni Kim ang kanang kamay ni Phen at dinala si Phen sa opisina ni Kim sa Student Government Building. Pinaupo ni Kim si Phen, at napansin ni Phen na balisa si Kim at parang kinakabahan ito.
“Oi, Kim! Bakit mo ako dinala dito? May problema ba?”
“Napakalaki Phen! Napakalaking PROB-LEMA!”
Pabalik-balik lang si Kim sa paglalakad at pinahinto siya ni Phen dahil nahihilo si Phen sa ginagawa ni Kim.
Bigla nalang nagsalita si Kim, “sa buong buhay ko – ngayon lang ako nakaranas ng ganito...”
“Ano nga ba ang nangyayari sa iyo at balisa ka?” tanong ni Phen.
“Nasigawan ko kasi si Tim at hindi ko talaga napigilan ang emosyon ko”
Napatahimik si Phen at nagsalita ulit, “WHAT? Hindi ka naman ganyan di ba? Bakit mo iyon ginawa?”
“Ang dahilan kasi ay, sinadya niyang panalunin ako sa Mini-History Quiz Bee namin kanina”
“Dahil lang sa ganun at nagalit ka na?”
“Yun nga ang pinagtataka ko. Nabigla nga ako at hindi ko na napigilang magalit sa kanyang ginawa, weird”
“Weird nga” aniya ni Phen, “mag-sorry ka ngayon din”.
“Tama ka Phen, pupuntahan ko siya”.
Tumayo si Phen at nagpasyang samahan si Kim para magbigay ng moral support.
Pagkabukas ni Kim sa pintuan ay siya namang pagtama sa ulo niya ng bola ng baseball. Nakita ni Kim na papalapit si Tim sa kanya habang hawak-hawak nito ang isang glove ng baseball.
“Sorry...” bulong ni Tim kay Kim.
Ngunit bago pa man magsimulang magtatalak si Kim ay nahimatay ito at sumandal sa dibdib ni Tim. At agad namang binuhat ni Tim si Kim at idinala sa School Clinic.
Naalimpungatan si Kim at nakita niya ang mukha ni Tim na nakaharap sa kanya habang papalapit ng papalapit ang mukha nito sa mukha niya. Nang mahimasmasan na siya ay biglang naging mukha ni Phen ang mukha ni Tim kung kaya hinawakan ni Kim ang mukha ni Phen at intinabi.
Tumayo si Kim at kahit medyo masakit pa ang ulo niya.
“Lalabas muna ako Phen”sabi ni Kim sa natatamemeng Phen.
Dahil sa walang reply itong si Phen, lumapit si Kim sa pintuan upang buksan at lumabas para hanapin si Tim. Ang ulo ni Kim ay nakalingon at nakatingin kay Phen habang binubuksan ang pintuan. Ang hindi niya alam na nakatayo pala si Tim sa labas, kaya nang paglingon ni Kim ay muntikan silang maghalikan ni Tim dahil sa napakalapit ng kanilang mga mukha sa isa't isa.
Top Commenters
-
arjayseyer
· 4 posts -
Pal Raine
· 3 posts -
Franc Ramon
· 3 posts -
exlinkevents
· 3 posts -
nicklelove
· 3 posts
Recent Comments
-
cute
kagwapa ni ate PL ui!
-
JOCEL P ABAMONGA
Good a.m.gusto ko sanang malaman kung paanong maka access sa website ng local registrar sa bayugan,mag iinquire sana ako.baka puwede niyo akong matulungan.ito e-mail ko,jocelabamonga@yahoo.com....
-
Mel Teombe Macaso
ok.... atleast we are known for something.........
-
Pal Raine
Naku po same with the BORN TO BE WILD episode sa GMA7. As in super laki ng mga ALIEN FISH. Ito kakaiba kasi yung mga ipin nya katulad ng tao.
Isdang kumakain ng Testicle, nakapatay sa Illinois · 12 years ago
-
marri
The TRUTH is... I was not able to see
any of the TWILIGHT saga so I can't relate
much but if I have time... I would love to
watch from start to finish.