Bagyo... Malalakas na lindol... Pabago-bagong klima... Ito na kaya ang sinyales na malapit na ang ORAS NG PAGHUHUKOM?
Batay sa sinasabi nilang Mayan Calendar, sinasabi na ang Disyembre 21 2012 ay ang katapusan ng mundo. Kung babasehin natin... Ang itsura ng Mayan Calendar ay hugis pabilog. Masasabi natin na isa itong cycle. Ibig sabihin nito ay continuous ang takbo ng calendar. Batay din sa prediksyon ni Nostradamus ay malapit na ang KATAPUSAN ngunit hindi sinabi kung kailan.
Ngunit ayon sa Bibliya ay walang nakasulat kung kailan gugunaw ang mundo. Ang tanong, kayo ba ay naniniwala sa sinasabi nilang 12-21-12? O san ba kayo manalig? Sa prediksyon ng mga tao? o sa Poong Maykapal?
Kung ako sa inyo, Manalig lamang tayo sa Poong Maykapal dahil hindi natin alam kung kailan siya babalik sa mundo... Maaaring sa mga oras na ito, mamaya, bukas o sa makalawa.
Dios los bendiga...