Bagyong Pablo... Lumikha ng Malaking Pinsala Sa Rehiyon Onse
Nitong mga nakaraang linggo ay nakaranas nga SA UNANG PAGKAKATAON ang pagkakaroon ng bagyo sa Mindanao. Lalo na sa Compostela Valley, Davao Oriental at sa Davao del Norte. Pati din ako ay muli ding nakaranas na ganun pala katindi ang lakas ng hangin ngunit pabugso-bugso ang ulan. Sira ang mga bahay, nawalan pa ng kuryente at higit sa lahat nawalan nga sila ng mahal sa buhay. Mayroon nga isang paaralan ang muntik pa masira dahil sa lakas ng hangin. Base nga sa aking naranasan sa ng mga oras yaon ay halos ako ay takot kung ano ba ang susunod na mangyayari. Pagkaraan ng ilang araw, maraming nga ang nasawi sa bagyo ayon sa mga balita. Batay din sa aking kaibigan marami raw ang labi ang pansamantala inilagak sa isa sa mga pasyalan sa Tagum City. Isa nga sa mga kaklase namin ang lubos na naapektuhan dahil sa bahang lagpas tao. Ang grabeng naapektuhan ng bagyo ay nasa Cateel, Baganga sa Davao Oriental at sa New Bataan Compostela Valley.
Ang numero Uno na dahilan kung bakit nagkakaroon ng bagyo sa Mindanao ay dahil sa Walang humpay na pagputol ng mga kahoy sa kabundukan na siya ang pananggalang laban sa mga malalakas na hangin.
Bago magtapos ang aking pahayag, sana tulungan po natin ang mga nasalantaan ng bagyo. At ating ipagdasal ang mga taong nasawi sa bagyo na sana ay nasa mabuting kamay sila ng Poong Maykapal.
Dios los Bendiga. . .